top of page
Search
  • BULGAR

Pumalag sa most wanted, dedbol

@Balitang Probinsiya | March 1, 2021



SOUTH COTABATO—Isang most wanted ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Glamang, Polomolok.


Kinilala ng pulisya ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Anthony Marquez, residente sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, darakpin sana ng mga awtoridad si Marquez sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, pero biglang pinagbabaril ng suspek ang mga awtoridad.


Kaagad gumanti ng putok ang mga operatiba dahilan kaya napatay si Marquez.


Nabatid na nakarekober ang pulisya ng baril at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page