Pumalag na wanted, dedbol

Updated: Jan 9, 2021
@Balitang Probinsiya | January 2, 2021
LAGUNA—Isang most wanted criminal ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Cuyab, San Pedro City.
Ang suspek ay nakilalang si James Elomina, nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, aarestuhin sana ng mga operatiba si Elomina sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kaso nitong homicide, pero bigla nitong pinagbabaril ang mga awtoridad.
Kaagad gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng baril at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.



Comments