top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Pumalag na most wanted, todas

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 6, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 6, 2021



NORTH COTABATO—Isang most wanted criminal ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Banawag, Kabacan.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Rahib Aplal, pansamantalang nakatira sa naturang barangay.


Nabatid na aarestuhin sana ng pulisya si Aplal sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kaso nitong murder, pero nanlaban at pinagbabaril ng suspek ang mga operatiba.


Dahil dito, kaagad gumanti ng putok ang mga awtordad dahilan kaya napatay ang suspek.


Nakarekober ang mga awtoridad ng baril at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page