top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Pumalag na karnaper, todas sa shootout

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 22, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 22, 2020



DAVAO CITY—Isang hindi kilalang karnaper ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Catalunan Pequeno.


Kinilala pa ng pulisya ang napatay na suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.


Ayon sa ulat, isang residente ang nag-report sa mga awtoridad na kinarnap ng suspek ang kanyang motorsiklo at dahil dito ay tinugis ng pulisya ang karnaper.


Nang maabutan ang karnaper ay imbes na sumuko ay pinagbabaril nito ang mga awtoridad kaya gumanti ng putok ang mga operatiba dahilan kaya napatay ang suspek.


Nakarekober ang pulisya ng baril at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page