Pumalag na holdaper, tepok sa shootout
@Balitang Probinsiya | November 02, 2020
Laguna—Isang hindi kilalang holdaper ang napatay nang manlaban sa pulisya kamalalawa sa Bgy. Langkiwa, Binan City.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek.
Nabatid na hindi pinangalanang biktima ang nag-report sa pulisya na hinoldap siya ng suspek kaya agad tinugis ng mga awtoridad ang holdaper.
Nang maabutan, imbes sumuko ay pinagbabaril ng suspek ang pulisya kaya gumanti ng putok ang mga awtoridad dahilan kaya napatay ang holdaper na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.
Nakarekober ang mga awtoridad ng baril at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.



Comments