top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pumalag na ex-NPA, tepok sa shootout

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 25, 2021
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | January 25, 2021



NEGROS OCCIDENTAL—Isang dating miyembro ng New People's Army (NPA) na kasapi ng "gun-for-hire" syndicate ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Dulao, Bago City.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Emmanuel Sampani, dating miyembro ng komunistang NPA na nag-o-operate sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, darakpin sana ng pulisya sii Sampani kaugnay sa kaso nitong murder, pero biglang pinagbabaril ng suspek ang mga awtoridad.


Kaagad gumanti ng putok ang pulisya dahilan kaya napatay ang suspek.


Nabatid na nakarekober ang pulisya ng baril at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page