top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pulis pinatay habang nakamotor

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 10, 2020
  • 1 min read

ni Twincle Esquierdo - @News | July 10, 2020



Pinatay ang isang pulis officer sa Siaton, Negros Oriental bandang 11:30 ng gabi, nitong Huwebes, Hulyo 9

Kinalala ang tauhan ng pulisya na si Sergeant Bobster Guillarawan miyembro ng First Provincial Mobile Force Company sa Barangay Napacao na may tama ng baril sa kanyang katawan.

Agad naman itong dinala sa malapit na hospital ngunit dead on arrival ng nakarating, ayon sa doctor.

Ayon sa mga pulis, pinatay si Guillarawan habang nakasakay ito sa kanyang motorsiklo ng pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilang suspek at apat na katao ang pinaghihinalaang pumatay sa pulis na ito.

Nagbigay naman ng gantimpala si Mayor Cezanne Fritz Diaz kung sinumang makapagbibigay ng impormasyon para matukoy ang mga suspek na pumatay kay Guillarawan.

Sinabi nito sa kanyang facebook live na, “I offered another P100,000 for any information on the killing of Sherwin Gabo, a rescue volunteer of the Siaton local government, who was killed last month.”

Dagdag pa nito ay bumuo rin siya ng task force para imbestigahan ang pagpatay kay Guillarawan at isa pang pulis na si Gabo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page