Pulis, patay sa agawan ng baril

@Balitang Probinsiya | November 30, 2020
NEGROS OCCIDENTAL—Isang pulis ang namatay nang tamaan ng bala sa pakikipag-agawan ng baril sa police informer kamakalawa sa Bgy. Zone 4, Cadiz City.
Kinilala ang biktimang nagtamo ng tama ng bala sa katawan na si Sgt. Bernie Sales, nakatalaga sa Police Regional 6 na nakabase sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo si Sales sa isa sa tatlong police informer na kanyang kausap at nang tangkain ng pulis na bunutin ang kanyang service firearm, ay nakipag-agawan dito ang isa sa police informer kaya pumutok ang baril at tinamaan ang biktima.
Dinala pa ng mga saksi si Sales sa pagamutan, pero namatay ito habang ginagamot sa ospital.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid kung walang naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.



Comments