top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Pulis, bata sapul sa pamamaril

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 27, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 27, 2023

COTABATO CITY -- Isang pulis at isang batang babae ang sugatan sa pamamaril ng isang hindi kilalang lalaki kamakalawa sa Brgy. RH 5 sa lungsod na ito.


Ang biktimang pulis ay nakilalang si Pat. Diosdado Mosela, nakatalaga sa Bangsamoro Autonomous Region Police Office, samantalang ang batang babae ay hindi pinangalanan dahil menor-de-edad pa ito.


Ayon sa ulat, lulan ng kanyang motorsiklo si Mosela nang pagbabarilin ito ng suspek at tinamaan sa balikat at pisngi, samantalang nasapul naman ng ligaw na bala sa kamay ang batang babae na naglalakad sa nasabing lugar.


Matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek, habang ginagamot na sa ospital ang dalawang biktima.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page