Pugante, dinedbol sa hideout
- BULGAR

- Oct 26, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | October 26, 2020
ZAMBOANGA DEL SUR—Isang pugante na may iba’t ibang kaso ang napatay nang barilin ng hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa loob ng kanyang hideout sa bayan ng Midsalip.
Nakilala ang puganteng napatay na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Nestor Dumandos, takas sa Ramon Magsaysay District Jail.
Nabatid na habang nasa loob ng kanyang hideout ay pumasok ang suspek at agad pinagbabaril hanggang sa mapatay si Dumandos.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang motibo ng suspek sa pagpatay sa biktima.



Comments