Proseso para sa voucher application, alamin!
- BULGAR

- Jul 6, 2020
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 6, 2020

Naglabas ang Department of Education (DepEd) ng klaripikasyon tungkol sa aplikasyon para Senior High School Voucher Program (SHSVP) at ang buong proseso para rito.
Ang application period ngayong 2020-20021ay nagsimula noong June 29 hanggang July 24.
Ayon sa Twitter post ng DepEd, ang unang proseso ay “I-access ang Online Voucher Application Portal (OVAP) sa http://ovap.peac.org.ph at gumawa ng OVAP account. Gumamit ng aktibong email address na aktibong nagagamit.”
Step 2, “Maghintay ng kumpirmasyon na ise-send sa iyong email address.”
Step 3, “Kumpletuhin ang electronic Voucher Application Form (VAF-1).”
Step 4, “I-scan at kuhanan ng litrato at i-upload ang mga requirement na ito sa OVAP: A. 2x2 colored ID photo. B. Proof of financial means ng mga magulang o guardian. C. Signed Parent Consent Form para sa mga voucher applicant na 18 taong gulang pababa. D. Certificate of Financial Assistance mula sa JHS, kung mayroon.”
Step 5, “Para sa mga supporting document na ihahabol, i-check ang OVAP isang linggo matapos ito i-submit.”
Step 6, “Kung successful na ang application, maaari nang i-download ang Qualified Voucher Applicant (QVA) Certificate.”
Step 7, “Matapos i-download ang QVA Certificae, i-submit ito sa paaralan na pag-e-enroll-an.”
Samantala, paalala ng DepEd, “ONLINE lamang ang application, WALANG MANUAL.” Gayundin, nilinaw ng DepEd na LIBRE ang aplikasyon para rito.
Anila pa, “Ipinagbabawal ang pagpapasa ng dalawa o higit pang aplikasyon. Ang pag-submit ng application ay hindi nangangahulugang ikaw ay may voucher na, kailangang i-check ang resulta sa August 14 at kung successful ang application ay i-download ang QVA Certificate.”




Comments