top of page

Programa para sa SHS students, ‘wag gamitin sa pulitika

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 3, 2024
  • 1 min read

by Info @Editorial | September 3, 2024



Editorial

Sa gitna ng patuloy na hamon sa sektor ng edukasyon sa Pilipinas, isang programa na may layuning magbigay ng bagong pag-asa sa mga kabataang Pilipino — ang “Tulong Eskwela Program”.


Inilunsad ito para sa mga magulang ng mga estudyanteng nasa senior high school, na may layong magbigay ng pinansyal na tulong upang maibsan ang pinansyal na problema.


Magbibigay din umano ito ng employment opportunities sa pamilya ng mga estudyante, at P3,000 sa mga magulang ng bawat SHS student beneficiaries.


Sa pamamagitan ng tulong na ito, mababawasan ang mga estudyanteng napipilitang huminto dahil sa problemang pinansyal. 


Ito rin ay magbibigay ng pagkakataon sa mas maraming kabataan na makapagtapos ng senior high school at maging handa sa kolehiyo o sa trabaho.


Bagama’t may mga scholarship at iba pang tulong mula sa pamahalaan at pribadong sektor, hindi lahat ay natutugunan ng mga ito.


Sa kabila nito, kailangang tiyakin na ang pondong gagamitin rito ay mapupunta sa mga estudyanteng tunay na nangangailangan at walang bahid ng korupsiyon, pamumulitika o anumang anomalya. 


Dapat din itong maging patas at makatarungan upang masiguro na ang bawat deserving student ay makakatanggap ng tulong.


Nawa’y magpatuloy ang ganitong mga inisyatiba na tunay na sumusuporta at nagbibigay halaga sa edukasyon, upang masiguro ang magandang kinabukasan ng bawat kabataan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page