top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Problemado sa inggiterang ate, gustong bumukod

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 10, 2022
2 min read

ni Sister Isabel del Mundo - @MgaKuwentongBuhayatPag-ibig | January 10, 2022,



Dear Sister Isabel,


Gusto kong humingi ng payo sa inyo tungkol sa kapatid ko na mula pagkabata ay inggit na inggit sa akin at hanggang sa lumaki kami ay matindi pa rin ang selos. Mas matanda siya ng isang taon sa akin at hindi ko alam kung bakit ‘pag napansin niya na malapit sa akin ang loob ng nanay namin, masamang-masama naman ang loob sa kanya kaya hindi ako kinikibo buong maghapon.


Gayundin, ‘pag binilhan ako ng bagong damit ng mga magulang namin, naiinggit din siya.


Hindi ko na nga siya pinapansin, pero sinisiraan niya ako sa mga pinsan namin. Kapag tinanong ko naman kung bakit niya ako sinisiraan, hindi naman daw niya ginagawa ‘yun, in short, sinungaling siya.


Pinagpapasensiyahan ko na lang siya dahil nakatatanda siya, pero hindi ko na matiis ang ginagawa niya sa akin. Balak kong mag-boarding house sa Maynila para makaiwas sa kanya, tutal may trabaho na ako, habang siya ay paiba-iba ng trabaho kaya hindi malagay sa ayos ang buhay niya.


Tama ba ang gagawin ko na mag-boarding house malapit sa pinapasukan ko para tuluyang makaiwas sa inaasal ng ate ko?



Nagpapasalamat,


Lucy ng Malabon


Sa iyo, Lucy,


Kung ano ang inaakala mong makabubuti sa iyo, ‘yun ang gawin mo kaysa naman naghihirap ang kalooban mo sa inaasal ng ate mo laban sa iyo. Sabihin mo sa mga magulang mo na mas makabubuting tumira ka na lang sa Maynila para mapalapit sa pinapasukan mo at makaiwas sa problemang dulot ng pagbiyahe papunta sa pinapasukan mo.


Gayundin, huwag mong sabihin na naiinis ka sa ugali ng ate mo dahil lalong lalala ang sitwasyon kapag nagsumbong ka hinggil sa hindi magandang pakikitungo niya sa iyo.


Sa palagay ko, kapag nalayo ka sa kanya, mare-realize niya mga kasalanan niya sa iyo at pagbalik mo ay matututo na siyang tratuhin ka nang maayos. Gayundin, sa tingin ko ay mauunawaan ka ng parents mo sa gagawin mo. Ipagdasal mo rin ang iyong ate dahil malaki ang nagagawa ng dasal sa pagbabago ng ugali ng isang tao.


Hilingin mo sa Diyos na bigyang-kaliwanagan ang puso, isip at kalooban ng ate mo at makita ang mga pakakamali niya sa buhay at matutong mahalin ka bilang kapatid.


Alam kong diringgin ng Diyos ang panalangin mo. Magkakasundo na kayo ng ate mo at magiging masaya, punumpuno ng pagmamahalan at pagmamalasakitan ang pamilya ninyo.



Sumasaiyo,


Sister Isabel Del Mundo


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page