Preso inatake sa puso, todas
@Balitang Probinsiya | July 18, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang preso ang namatay nang atakehin sa puso kamakalawa sa loob ng selda kamakalawa sa Himamaylan City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Arthur Vargas, nasa hustong gulang, at nakapiit sa Himamaylan City police detention cell.
Ayon sa ulat, habang nasa loob ng selda ay inatake sa puso si Vargas.
Agad dinala ng mga awtoridad si Vargas sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nabatid na nakulong si Vargas matapos mahuli ito sa aktong nagbebenta ng droga sa nasabing lungsod.



Comments