Policewoman, sugatan sa motorsiklo
- BULGAR

- Nov 27, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | November 27, 2020
ISABELA—Isang policewoman ang sugatan nang aksidenteng mabangga ng motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Rizal, Santiago City.
Kinilala ang biktima na si Pat. Micah Ruth Abannag, nakatalaga sa Santiago City Police Station.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng motorsiklong minamaneho ni Darwin Sia kaya aksidenteng nabangga nito ang biktima na tumatawid sa kalsada.
Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital at kasalukuyan na itong ginagamot matapos magtamo ng mga sugat sa katawan.
Nakapiit na si Sia na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to physical injury.



Comments