Platoon leader ng NPA, huli sa checkpoint
@Balitang Probinsiya | April 18, 2021
SOUTH COTABATO—Isang platoon leader ng New People’s Army (NPA) ang naaresto ng mga awtoridad sa police checkpoint sa Bgy. Saravia, Koronadal City.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Gemar Gecana, platoon leader ng NPA na nag-o-operate sa nabanggit na lalawigan.
Nabatid na napadaan si Gecana sa police checkpoint at nang makilala siya ng mga awtoridad ay agad itong dinakip ng pulisya.
Napag-alamang si Gecana ay may nakabimbin din kasong attempted murder sa Kidapawan City.
Hindi na nanlaban si Gecana nang dakpin siya ng mga awtoridad sa police checkpoint.



Comments