top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Plantasyon ng marijuana, sinunog

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 12, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 12, 2024


KALINGA -- Isang plantasyon ng marijuana ang sinalakay, sinira at sinunog ng mga otoridad kamakalawa sa bayan ng Tinglayan sa lalawigang ito.

 

Ang mga winasak at sinilaban na mga pananim na marijuana ay nakatanim sa may 3,000 square meters na lupain sa nasabing bayan.

 

Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa mga otoridad na may plantasyon ng marijuana sa nasabing lugar kaya agad itong sinalakay, sinira at sinunog ng mga operatiba.

 

Nabatid na nakatakas ang mga caretaker ng pananim na marijuana.

 

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para madakip ang mga responsable sa pagtatanim ng marijuana sa naturang lugar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page