Plantasyon ng marijuana sinunog
@Balitang Probinsiya | Enero 31, 2023
LA UNION — Isang plantasyon ng marijuana ang sinalakay, sinira at sinunog ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Sapdaan, Santol sa lalawigang ito.
Ang sinalakay na plantasyon ng marijuana ay nasa bulubunduking lugar ng Sitio Balay sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa mga awtoridad na may plantasyon ng marijuana sa nasabing lugar kaya agad itong sinalakay, sinira at sinunog ng mga operatiba.
Nabatid na nakatakas ang mga caretaker ng pananim na marijuana.
Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para madakip ang mga responsable sa pagtatanim ng marijuana sa naturang lugar.



Comments