top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

Plantasyon ng marijuana, sinira at sinunog

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 3, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | September 3, 2023


KALINGA -- Isang plantasyon ng marijuana ang sinalakay, sinira at sinunog ng mga awtoridad kamakalawa sa bayan ng Tinglayan sa lalawigang ito.


Ang sinalakay na plantasyon ng marijuana ay nasa bulubunduking lugar ng Bgy. Ngibat sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa mga awtoridad na may plantasyon ng marijuana sa nasabing lugar kaya agad itong sinalakay, sinira at sinunog ng mga operatiba.


Nabatid na nakatakas ang mga caretaker ng pananim na marijuana.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para madakip ang mga responseble sa pagtatanim ng marijuana sa naturang lugar.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page