Plantasyon ng marijuana, sinalakay

@Balitang Probinsiya | January 24, 2021
KALINGA—Sinunog ng pulisya ang mga pananim na marijuana sa sinalakay na plantasyon ng illegal na droga kamakalawa sa bayan ng Tinglayan.
Ang sinunog ng mga awtoridad ay ang mga nakatanim na marijuana sa bulubunduking lugar ng Bgy. Busculan sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, may nag-tip sa pulisya na may plantasyon ng marijuana sa naturang barangay kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad.
Nabatid na mabilis na nakatakas ang mga namamahala sa plantasyon ng marijuana nang makita ang mga paparating na mga awtoridad.
Pinaghahanap na ng pulisya ang mga tumakas na suspek.



Comments