Plantasyon ng marijuana, ni-raid, sinira at sinunog
@Balitang Probinsiya | October 18, 2022
CEBU—Isang plantasyon ng marijuana ang sinalakay, sinira at sinunog ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Lusaran, Cebu City.
Ang sinalakay na plantasyon ng marijuana ay nasa bulubunduking lugar ng Sitio Song-on sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, may nag-tip sa mga awtoridad na may plantasyon ng marijuana sa nasabing lugar, kaya agad itong sinalakay, sinira at sinunog.
Nabatid na nakatakas ang mga caretaker ng pananim na marijuana.
Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para madakip ang mga responsable sa pagtatanim ng marijuana sa naturang lugar.



Comments