Plantasyon ng marijuana ni-raid
@Balitang Probinsiya | March 21, 2023
BENGUET—Isang plantasyon ng marijuana ang sinalakay, sinira at sinunog ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Tacadang, Kibungan sa lalawigang ito.
Ang sinalakay na plantasyon ng marijuana ay nasa bulubunduking lugar ng Sitio Culiang sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa mga awtoridad na may plantasyon ng marijuana sa nasabing lugar kaya agad itong sinalakay, sinira at sinunog ng mga operatiba.
Nabatid na nakatakas ang mga caretaker ng pananim na marijuana.
Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para madakip ang mga responsable sa pagtatanim ng marijuana sa naturang lugar.



Comments