top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Plantasyon ng marijuana, ni-raid

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 24, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | Oct 24, 2021


KALINGA—Isang plantasyon ng marijuana ang sinalakay ng mga awtoridad kamakalawa sa bayan ng Tinglayan.


Ang sinalakay na plantasyon ng marijuana ay nasa bulubunduking lugar ng Bgy. Loccong sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, may nag-tip sa mga awtoridad na may plantasyon ng marijuana sa nasabing lugar kaya agad itong sinalakay ng mga operatiba at dito natagpuan ang mga panananim na illegal drugs na nagkakahalaga ng mahigit P24 milyon.


Nabatid na nakatakas ang mga namamahala sa plantasyon ng marijuana at kasalukuyan na silang pinaghahanap ng mga awtoridad.


Napag-alamang agad sinunog ng mga awtoridad ang mga pananim na marijuana sa nabanggit na lugar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page