Plantasyon ng marijuana, nadiskubre
- BULGAR
- Dec 13, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | December 13, 2021
LANAO DEL SUR--Isang plantasyon ng marijuana ang nadiskubre ng mga awtoridad kamakalawa sa bayan ng Maguing.
Ang sinalakay na plantasyon ng marijuana ay nasa bulubunduking lugar ng nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nagsasagawa ng pagpapatrulya ang mga tropa ng pamahalaan sa nasabing lugar nang madaanan nila ang mga pananim na marijuana.
Dahil dito, agad sinira at sinunog ng mga awtoridad ang mga pananim na marijuana na nagkakahalaga ng mahigit P7 milyon.
Sa ngayon ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek na nagtanim ng marijuana sa naturang lugar.



Comments