Pintor, timbog sa shabu
@Balitang Probinsiya | July 22, 2023
ALBAY — Isang pintor ang inaresto ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa Bgy. Sto. Cristo, Daraga sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Michael Jopia, nasa hustong gulang at residente sa nabanggit na bayan.
Nabatid na nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ni Jopia ng droga ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang arestuhin siya ng mga awtoridad sa nasabing lugar.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.



Comments