Pintor, natagpuang patay
@Balitang Probinsiya | August 19, 2023
ISABELA -- Isang pintor ang natagpuang patay kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Bgy. Turayong, Cauayan City sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Orlando Liggayu, 37, at nakatira sa naturang barangay.
Napag-alaman na ilang kamag-anak ni Liggayu ang nakatagpo sa kanyang bangkay sa loob ng bahay nito.
Huli umanong nakitang buhay si Liggayu na pumasok sa kanyang bahay at hindi na lumabas.
Nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya para malaman ang sanhi ng kamatayan ng biktima.



Comments