Pintor kritikal sa kuryente
- BULGAR
- Mar 29, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | March 29, 2023
ZAMBALES—Isang pintor ang nasa kritikal na kondisyon nang makuryente kamakalawa sa Bgy. Barreto, Olongapo City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Marlon Cunanan, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, habang pinipinturahan ni Cunanan ang sign board ng isang establisiyemento ay napahawak ito sa sa live wire kaya nakuryente ang biktima.
Napag-alaman na sa lakas ng boltahe ng kuryente ay nagkaroon ng 3rd degree burn sa katawan ang biktima.
Agad dinala ng mga residente ang biktima sa ospital at sa kasalukuyan ay inoobserbahan pa ito sa pagamutan.



Comments