Pintor at bagets huli sa buy-bust

@Balitang Probinsiya | December 24, 2020
CAPIZ—Isang pintor at isang binatilyo ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Banica, Roxas City.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Jonathan Villaruz, 30-anyos at alyas Totoy, 15-anyos, kapwa residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang pulisya na nagbebenta ng shabu ang mga kaya nagsagawa ng buy-bust operation dahilan upang madakip sina Villaruz at “Totoy”.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments