top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

‘Pinas, pigilang maging pugad ng scammers

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 28, 2023
  • 1 min read

@Editorial | June 28, 2023


Hindi bababa sa 1,000 katao na iba't ibang nationality na hinihinalang biktima ng human trafficking ang nasagip sa Las Piñas.


Ayon sa Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group, hinihinalang pinilit umanong magtrabaho para sa cyber fraud ang mga biktima.


Base sa inisyal na imbestigasyon, mayroong mga Filipino, Singaporean, Chinese, Malaysian, at Vietnamese na ni-recruit umano para magtrabaho sa “online casino”.


Gayunman, paniwala ng mga awtoridad, front lang ito kaya susuriin nila ang mga nakumpiskang computer kung may trace ng paggamit sa mga ito sa love scam, investment scam o kaya crypto scam.


Hindi pa man kumpirmado, batid natin na talamak na talaga ang ilegal na negosyo sa bansa. Marami nang nabistong call center na ginagamit pang-scam.


Sana ay maging maagap ang kinauukulan sa problemang ito. Mapigilan sana na maging pugad ng scammers at iba pang gumagawa ng ilegal ang ating bansa.


Sa airport pa lang, dapat ay nahaharang na ang mga ganitong sitwasyon at kung sakaling makalusot, dapat ay maging mas masigasig ang gobyerno sa pagtugis sa mga ito.


Ingatan natin ang bansa laban sa mga mapagsamantala, lalo na sa mga sindikato.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page