top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

‘Pinas, matagal-tagal pang mapapalaban sa presyo ng petrolyo

BULGAR
Jun 24, 2022
1 min read

@Editorial | June 24, 2022


Pansamantalang itinigil ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamimigay ng ikalawang bugso ng fuel subsidy sa mga benepisyaryo sa sektor ng pampublikong transportasyon.


Ito ay upang ipaubaya sa papasok na administrasyon ang magiging proseso o diskarte sa Pantawid Pasada program.


Napag-alamang sa 2022 General Appropriations Act, naglaan ng P2.5 bilyong ayuda para sa 300,000 benepisyaryo.


Sa ngayon, may 50,000 pang hindi nakatatanggap ng 2nd tranche ng ayuda.


Samantala, pinaplano namang ipanukala sa Kongreso ang pagbibigay ng P3,000 buwanang subsidiya sa public utility drivers dahil sa patuloy na pagtaas ng mga produktong petrolyo. At ito ay hanggang limang buwan.


Maaari umanong gumawa ng supplemental budget o hugutin ang pondo sa ‘unobligated funds’ ng ilang ahensya ng gobyerno.


Kaya kailangang magkaroon ng sapat na pondo sa 2023 national budget para sa pagbibigay ng ayuda sa public transport sector base sa pagtataya na aabutin ng ilang taon ang kasalukuyang sitwasyon sa suplay ng langis.


Dapat magtulung-tulong ang lahat ng ahensya ng gobyerno para makasabay ang buong bansa sa krisis na nagaganap. Kailangang maging matalino sa pagba-budget at maging bukas sa pag-alalay sa ibang sektor.


Kung sama-sama tayong nag-iisip at gumagawa ng solusyon, kayang-kaya nating makalampas sa anumang pagsubok at may pag-asa nang umasenso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page