Philippine General Hospital, nawalan ng suplay ng kuryente; ilang pasyente inilipat ng pagamutan
- BULGAR

- Oct 12, 2021
- 1 min read
ni Jasmin Joy Evangelista | October 12, 2021

Nawalan ng suplay ng kuryente sa Philippine General Hospital nitong Lunes ng gabi.
Batay sa report, hindi gumagana ang generator sets ng ospital kaya’t kinailangang ilipat sa ibang pagamutan ang ibang pasyente.
Ayon kay Manila Disaster Risk Reduction and Management Office director Arnel Angeles, bumalik ang suplay ng kuryente bandang alas-10:00 ng gabi.
Ani Angeles, patuloy pang nag-iimbestiga ang mga awtoridad sa posibleng dahilan ng power interruption sa ospital.








Comments