top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pekeng pulis arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 21, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 21, 2021


SORSOGON—Isang pekeng pulis ang dinakip ng mga awtoridad kamakalawa sa labas ng resto bar sa Sorsogon City.


Kinilala ang suspek na si Alexander Hije, 29-anyos at residente ng Casiguran sa naturang bayan.


Ayon sa ulat, nagtungo ang pulisya sa resto bar para paalalahanan ang may-ari tungkol sa curfew at dito ay nakita ng mga awtoridad si Hije na kahina-hinala ang kilos habang may nakasukbit na baril.


Nang sitahin ay sinabi ni Hije na pulis umano siya, pero nang berepikahin ang pagkatao nito ay nalaman na pekeng pulis ang suspek at nang kumpiskahin ang baril ay napag-alamang airgun ang nakasukbit sa pekeng pulis.


Nahaharap ang suspek sa kasong usurpation of authority.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page