Pekeng fire inspector, nasakote
- BULGAR
- Sep 4, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 4, 2023
AKLAN -- Isang babaeng pekeng fire inspector ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa bayan ng Altavas sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito sa himpilan ng pulisya.
Ayon sa ulat, nagpapanggap ang suspek na fire inspector ng Bureau of Fire Protection (BFP) at sinasabihan ang management ng mga establisimyento na expired na ang kanilang mga fire extinguisher at saka hihingan ng pera para pambili nito sa BFP, pero kapag naibigay na ang pera ay hindi na ito nagpapakita sa kanyang mga nabiktima.
Dahil dito, nagtungo sa pulisya ang mga biktima at inireklamo ang suspek kaya dinakip ito ng mga awtoridad.
Nahaharap ngayon ang suspek sa mga kasong usurpation of authority at swindling.



Comments