Pedicab driver, tinodas sa bahay
- BULGAR
- Nov 28, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | November 28, 2023
QUEZON -- Isang pedicab driver ang namatay nang barilin ng isang hindi kilalang armadong lalaki sa loob ng kanilang bahay kamakalawa sa Brgy. 10. Catanauan sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Jaype Rocafor, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nasa loob ng kanilang bahay si Rocafor ay biglang pumasok ang suspek at agad pinagbabaril hanggang mapatay ang biktima.
Matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek lulan ng kanyang motorsiklo.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.
תגובות