Pedicab driver, sugatan sa van
@Balitang Probinsiya | June 21, 2023
CAMARINES SUR -- Isang pedicab driver ang sugatan nang aksidenteng mabangga ng isang van kamakalawa sa Bgy. San Vicente, Calabanga sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Roberto Cenisa, 47, residente ng nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ng van ang driver na si April Azanes, 52, kaya nabangga nito ang nakaparadang pedicab na kinalululanan ni Cenisa.
Nabatid na sa lakas ng impact ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.
Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital at kasalukuyang inoobserbahan, habang sumuko naman sa pulisya si Azanes.



Comments