top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pedicab driver, nilikida

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 31, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | August 31, 2023


NEGROS OCCIDENTAL -- Isang pedicab driver ang namatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. 5, San Carlos City sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Johnryl Calunsag, nasa hustong gulang at residente sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, habang nakaupo si Calunsag sa kanyang pedicab ay biglang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na si Calunsag.


Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page