Payo ng kampo ni Ang na ‘wag munang sumuko, unethical at potentially criminal — DOJ spox
- BULGAR

- 13 hours ago
- 1 min read
by Info @News | January 17, 2026

Photo: File / Circulated
Inihayag ni Department of Justice (DOJ) Spokesperson Atty. Polo Martinez na ang mungkahi na labagin ang legal na kautusan ng korte ay maituturing na unethical at posibleng kriminal.
Kaugnay ito ng payo ng abogado ng negosyanteng si Atong Ang na huwag muna umanong sumuko ang kanyang kliyente sa mga awtoridad hanggang maubos ang lahat ng magagamit na legal remedies sa korte.
“The suggestion that one resist and disobey the lawful orders of a court is not only ill-advised but unethical and potentially criminal,” ayon kay Martinez.
Ayon pa sa ahensya, posibleng magdulot ito ng panibagong kasong kriminal laban kay Ang.








Comments