top of page
Search
  • BULGAR

Pati si Juday, damay…

SHARON, NAG-POST TUNGKOL SA BAGONG IPATATAYONG BAHAY, NETIZENS BAWAL MAG-COMMENT

ni Nitz Miralles - @Bida | July 5, 2020




Disabled na naman ang Instagram posts ni Sharon Cuneta, pati ‘yung tungkol sa pagpapatayo nila ng bahay sa Cavite. Nawala pati ang comment ni Judy Ann Santos na natutuwa sa magandang balita ni Sharon at ang sagot sa kanya ni Sharon, kapag naipatayo na ang nasabing bahay, magiging mas malapit na sila sa isa’t isa. Sa Alabang kasi nakatira sina Judy Ann na malapit sa Cavite.


Bukod sa disabled na uli ang comments box ng IG ni Sharon, napansin namin na tinakpan nito ng ink ang parte ng blueprint na kanyang ipinost kung saan nakalagay ang location ng ipatatayong bahay. Kaya lang, may nakapag-screenshot na sa unang post ni Sharon at nalaman pa rin ang location ng bago nilang bahay.


Pinayuhan kasi si Sharon tungkol sa pagpo-post, lalo na sa mga ganu’ng bagay for security purposes at kaya siguro dinisable ang comments box dahil may dati siyang kapitbahay na magiging kapitbahay niya uli, winelcome siya at buong-ningning na isinulat ang magiging address nina Sharon.


Tinawag ni Sharon na “forever home” at home for their children ang ipatatayong bahay na ang architect ay ang partner ni Zsa Zsa Padilla na si Conrad Onglao. Pati kung sino ang contractors ay binanggit na rin ni Sharon.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page