Search
  • BULGAR

Pati ang Miss Universe na si Catriona Gray…

KILALANIN: MGA SIKAT NA ARTISTANG GALING SA PAKONTES NG EAT BULAGA!

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 1, 2020




Sa mahigit na apat na dekada nang pamamayagpag sa ere, maraming sikat na artista- beauty queens ang nanggaling sa Eat… Bulaga! at naging contestant sa iba't ibang segments at pa-contest ng nasabing noontime show.


Ang Ms. Universe 2018 na si Catriona Gray ay naging contestant noon sa Little Ms. Philippines nu'ng taong 1999.


Si Alice Dixson naman ay sumali sa Reyna ng Santacruzan ng EB! noong 1986 at dito siya nakita bago sumali sa Bb. Pilipinas.


Si Rachelle Ann Go ay sumali sa Birit Baby contest. Si Rosanna Roces ay sumali noon sa She's Got The Look contest ng EB!.


Samantala, sina Camille Prats, Angelica Panganiban, Jessa Zaragoza, Kim Domingo, Geneva Cruz, Donna Cruz, Patricia Javier, Julie Anne San Jose, Aiza Seguerra, Gladys Reyes at Jillian Ward ay naging contestants din noon sa Little Miss Philippines.


Maging ang news anchor/host na si Arnold Clavio at ang Comedy Genius na si Michael V. ay sumali rin noon sa mga pa-contest ng Eat… Bulaga!.


Ang hunk actor naman na si Derek Ramsay ay naging host ng EB! noong 2001 hanggang 2004. Maging si Pauleen Luna ay naging contestant din noon ng Little Ms. Phils..


Taong 2012 naman nang manalong Little Ms. Phils. si Ryza Mae Dizon.


Sina Jericho Rosales at Edgar Allan Guzman ay nanggaling din sa Eat…Bulaga!.


Apat na dekada na ang EB!. Tumibay at tumatag na nang husto ang samahan ng Dabarkads na binubuo nina Vic Sotto, Sen. Tito Sotto, Joey de Leon, Ruby Rodriguez, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros at Ryan Agoncillo.


Mapalad sina Alden Richards at Maine Mendoza na naging bahagi rin ng Eat… Bulaga!.


Hanggang ngayon, hindi kayang pantayan ng anumang noontime show ang record na naitala ng EB! bilang longest-running noontime show sa Pilipinas.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.