Pastor at misis, huli sa investment scam

@Balitang Probinsiya | November 7, 2020
CAGAYAN DE ORO CITY—Isang pastor at misis nito na sangkot sa investment scam ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Lumbian.
Ang mag-asawang suspek ay sina Rolando Joseph, pastor ng isang religious group at Dore Fe Joseph, kapwa nakatira sa naturang lungsod.
Nabatid na dinakip ng mga awtoridad ang mag-asawang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nilang 6-counts ng syndicates estafa.
Napag-alamang inireklamo ang mag-asawa ng mga kasapi ng kanilang religious group na kanilang hinimok na mag-invest sa negosyo, pero nang maibigay ang pera ay hindi na nagpakita ang mga suspek.
Kusa namang sumama sa pulisya ang mga suspek nang dakpin sila sa nasabing barangay.



Comments