Paslit, sugatan sa suv
@Balitang Probinsiya | December 04, 2021
ILOILO—Sugatan ang 6-taong gulang na batang lalaki nang aksidenteng mabangga ng SUV (Sports Utility Vehicle) kamakalawa sa Bgy. Sigangao, Zarraga.
Dahil menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktima.
Ayon sa ulat, bigla umanong tumawid ang biktima sa kalsada kaya aksidenteng nabangga ito ng SUV.
Kaagad namang dinala ng hindi pinangalanang driver ng SUV ang biktima sa ospital.
Nabatid na nasa ligtas ng kalagayan ang bata, samantalang sinagot naman ng driver ng SUV ang lahat ng gastusin sa ospital.



Comments