top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Paslit sa mall, stop o tuloy?

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 16, 2021
1 min read

@Editorial | November 16, 2021



Kapag pumunta tayo sa mga mall ngayon, aakalain nating wala nang pandemya.


Bukas na ang mga shop pati palaruan na talagang dinaragsa ng mga sabik na kabataan.


Ang problema, may iba na sadyang nakakalimot na sa public health protocols.


Sa sobrang sabik sa paglalaro, dedma na sa physical distancing, hindi na maayos ang pagkakasuot sa facemask at face shield.


Ang pangamba ng mga nakakakita, paano kung may makalusot na virus?


Sa ngayon, ayon sa pamunuan ng Department of the Interior and Local Secretary (DILG), nirerepaso na ng mga alkalde sa Metro Manila ang age restrictions para sa mga menor-de-edad na maaaring makapasok sa malls ngayong nasa ilalim na ng Alert Level 2 ang rehiyon.


Ang mga local government units (LGUs) umano ang siyang may kapangyarihan na maglagay ng restriksiyon dito kung talagang kinakailangan.


Nire-review kung dapat bang baguhin ang edad na pinapayagan sa mall.


Bagama’t bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa bansa, hindi tayo dapat magpakampante, nananatili pa rin ang banta nito.


Tayong mga magulang, dapat pa ring maging maingat at sumunod sa public health protocols, kung hindi maiwasang isama ang mga anak sa mall.


Batid nating sobrang sarap sa pakiramdam na makita silang masaya dahil sa wakas nagagawa na ulit nila ang bagay na ito pero, huwag din nating hayaan na ito rin ang maging dahilan para sila mapahamak.


Palagi natin silang paalalahanan hanggang sa kanila nang makasanayan ang mga paraan para makapag-ingat hindi lang sa COVID kundi maging sa iba pang sakit.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page