Paslit patay sa SUV
@Balitang Probinsiya | Pebrero 6, 2023
ALBAY – Isang 4-anyos na batang lalaki ang namatay nang mabangga ng SUV, kamakalawa sa Bgy. Matacon, Polangui sa lalawigang ito.
Dahil menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktima na residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng SUV kaya aksidente nitong nabangga ang biktimang tumatawid sa kalsada.
Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan pero idineklara itong dead-on-arrival.
Kusa namang sumuko sa pulisya ang hindi pinangalanang driver na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.



Comments