top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Paslit patay, 8 pa sugatan sa trak

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 1, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 01, 2020



Quezon—Isang 7-taong gulang na batang lalaki ang namatay at walo pa ang sugatan nang aksidenteng mabangga ng trak ang dalawang bahay kamakalawa sa Bgy. Inaclagan, Gumaca.


Kinilala ang nasawi na si Luiz Ariola, samantalang hindi na pinangalanan ang walo pang biktima na pawang bata na ginagamot na sa ospital.

Ayon sa ulat, nawalan umano ng preno ang trak na minamaneho ni Edmar Nocos kaya nabangga nito ang dalawang bahay na kinaroroonan ng mga biktima.

Dinala pa ng mga residente ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Ariola.

Nakapiit na si Nocos na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide, multiple physical injury at damage to property.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page