top of page
Gary V. - IG.jpg

Paslit, nalunod sa swimming pool

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 13, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 13, 2024


NEGROS OCCIDENTAL -- Isang 7-taong gulang na batang lalaki ang namatay nang malunod  sa swimming pool ng isang resort kamakalawa sa Brgy. RSB, La Carlota City sa lalawigang ito.


Sa kahilingan ng kanyang pamilya ay hindi na pinangalanan ang batang biktima. 


Ayon sa ulat, kasama ng bata ang kanyang pamilya na naligo sa swimming pool at habang naliligo ay napuna ng kanyang tiyuhin na nalulunod na ito. 


Agad sumaklolo ang mga kamag-anak ng bata at dinala ito sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad upang mabatid kung may pananagutan sa pagkalunod ng biktima ang namamahala ng swimming pool ng resort.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page