Paslit, nalunod sa kanal

@Balitang Probinsiya | November 6, 2020
PANGASINAN—Isang 2-taong gulang na batang lalaki ang nalunod at namatay sa kanal kamakalawa sa Bgy. Dilan Paurido, Urdaneta City.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Kenneth Dereje, residente sa nasabing barangay.
Nabatid na ilang residente ang nakakita sa bangkay ng bata sa kanal at agad itong ipinagbigay-alam sa mga magulang ng biktima.
Ayon sa ulat, huling nakitang buhay ang bata habang naglalaro malapit sa kanal.
May hinala ang mga awtoridad na posibleng habang naglalaro ang biktima ay nahulog ito sa kanal dahilan upang malunod ang biktima.



Comments