Paslit, nalunod sa ilog
@Balitang Probinsiya | June 11, 2023
Camarines sur -- Isang 5-taong gulang na batang lalaki ang namatay nang malunod kamakalawa sa ilog na sakop ng Naga River sa bayan ng Camaligan sa lalawigang ito.
Dahil menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktima.
Ayon sa ulat, habang naglalaro sa gilid ng ilog ay nahulog ang biktima kaya ito nalunod.
Napag-alaman na mabilis na sumaklolo ang mga residente, pero hindi agad natagpuan ang biktima.
Nabatid na lumipas pa ang ilang oras bago nakita ang bata nang lumutang ang bangkay nito sa ilog.



Comments