Paslit nalunod sa balde, tepok
@Balitang Probinsiya | March 20, 2023
NEGROS OCCIDENTAL—Isang 3-anyos na lalaki ang namatay nang malunod sa isang balde na may lamang tubig kamakalawa sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Granada, Bacolod City sa lalawigang ito.
Ayon sa ama ng bata, maaga siyang nakatulog at nang siya ay magising ay nagtungo siya sa banyo ng kanilang bahay at dito natagpuan ang kanyang anak na nakasubsob sa isang balde na may lamang tubig.
Agad dinala ng ama ang kanyang anak sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naganap na insidente patungkol sa pagkalunod ng bata sa isang baldeng tubig.



Comments