top of page

Paslit nakalabas ng bahay, nalunod

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 2, 2024
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | ngayong Abril 2, 2024


QUEZON -- Isang 3-taong gulang na batang lalaki na nakalabas ng kanilang bahay ang namatay nang malunod kamakalawa sa ilog na sakop ng Brgy. San Lorenzo, Mauban sa lalawigang ito.

 

Dahil menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktima. 

 

Ayon sa ulat, hindi umano napuna ng ina ng bata na nakalabas ito ng kanilang bahay, at nang mapunang wala sa loob ay hinanap niya ang kanyang anak.

 

Nabatid na tumulong na rin sa paghahanap ang mga kamag-anak at mga residente hanggang matagpuan ang bata na nakalutang sa ilog sa nasabing lugar.

 

Agad dinala ng kanyang mga magulang ang bata sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

 

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page