top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Paslit na-hit-and-run ng 3 sasakyan

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 18, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 18, 2021


BACOLOD CITY--Isang 9-taong gulang na batang lalaki ang namatay nang ma-hit-and-run ng tatlong sasakyan kamakalawa sa Bgy. Singcang-Airport.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Kian Aguda, nakatira sa Bgy. 35 sa nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, tumatawid umano sa kalsada si Aguda nang mabangga ito ng rumaragasang van, at nang tumilapon ang biktima ay nasagasaan pa ito ng dalawang magkasunod na sasakyan.


Nabatid na hindi huminto ang tatlong sasakyan na nakabangga at nakasagasa sa biktima.


Nabatid na namatay sa mismong pinangyarihan ng aksidente ang biktima.

Pinaghahanap na ng pulisya ang mga driver ng tatlong sasakyan na nakabangga at nakasagasa sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page